top of page

Our Recent Posts

Tags

Quick Draw #1: Daenerys Targaryen


Final Episode ng Game of Thrones, although marami ang nadismaya sa ending ng HBO TV show na ito, hindi maikakaila na tumatak ito hindi lamang sa western audiences nila kundi sa buong mundo. Di na ako magugulat kung may mga batang bininyagan sa pangalang "Daenerys" o "khaleesi" kasi may kapit bahay akong ang anak ay "Crusita" at "Raizen" (Tatay ni Eugene sa Ghost Fighter). Ang speed painting na ito ay umabot ng 9 hours gamit ang Adobe Photoshop, nai-upload ko ito noong April 2014.

Mahabang panahon na rin, noon kasi adami pa akong time para makapag-paint bilang isang contractual na graphic artis sa isang TV network. Taong 2016 noong ako'y ma-regularize at medyo kumonti na lang ang oras ko para sa mga activities tulad nito. Kadalasan umuuwi na lang ako para matulog, it's a shame di na ulit nadagdagan mga digital painting ko, madaming mga happenings ang nangyari sa mga nakaraang taon na pinanghihinayangan ko.

So I decided na isa ito sa mga gagawin ko nang gawin ko ang site na ito. Let's see kung gaano ka daming art works ang magagawa natin, maybe in the future pwede rin ako gumawa ng mga quick artworks live at pag-usapan natin ang mga naging influences in terms of pop culture sa ating pagtanda.

Sa ngayon I present to you my Daenerys Targaryen Speed painting video from our Youtube channel. Kung nagustuhan mo ang video paki-share naman sa inyong mga friends and followers, help us grow by liking our Facebook page and subscribing sa aming Youtube account.


bottom of page