top of page

Our Recent Posts

Tags

W.I.P Project: Devastator (Day 1: Dismantling and Leg Build)


what i want to achieve

Hi and welcome to Work-in-progress Project: Devastator, at ito ang ating unang entry for this build. So far, nakahanap ako ng mga mumurahing construction toy vehicle sa may tindahan sa Aurora Cubao at dito sa aming lokal na palengke. And right from the start may problema na akong na-encounter.

Ang Transformer Combiner na si Devastator ay may mga unique features sa kanyang mga limbs. Ang kanyang right arm ay isang Excavator, habang ang kanyang left foot naman ay isang cement mixer truck, agad kong nakita itong dalawang at nasa magkatulad na scale naman sila pareho. 'Yung cab ng cement mixer truck ay hindi kamukha nung nasa reference photos dahil sa Peterbilt (same sa vehicle form ni Optimus Prime sa live action movies) na harapan nito (ang kailangan ay mga flat nose o flat face gaya sa version ni Optimus Prime sa G1 Cartoons noong 80s). Problema din ang rest of the parts na wala akong makitang tutugma sa kanilang scale, pero magagawan naman ng paraan. Ang solution ay bumili ng iba't ibang mga construction toys at i-kit-bash para makagawa ng mga alternate limbs. Katulad nang nangyari sa left arm nito na isang buldozer pero dahil walang available pinalitan ko na lang ang isa pang excavator ng scoop na pang buldozer. Ganun din ang right leg, improvised na Front-end Loader, gamit ang mga surplus na parts sa ibang mga buldozers na binili ko.

Ngayong kompleto na ang mga bubuo sa ating combiner, it's time to disassemble. Inuna ko ang mga gulong at mga pieces na hindi nakaclip but instead ay naka screw. Suprisingly easy naman sila baklasin lalo pa at malleable ang mga plastics nito, well too malleable nga kung tutuusin, nakakatakot minsan baka ma-deform.

Next step ay hanapin ang mga parts na bubuo sa feet. at temporary silang i-glue gamit ang glue gun. Pansamantala lang na dikit ito pwede pang magbago isip sa kung saan mapupunta ang mga piyesa. Kapag desidido na ako babaklasin ko pa ulit ang mga ito, pipinturahan, saka permanently ididikit gamit ang body filler, same stuff used sa pag-repiar ng dents sa mga sasakyan.

So far nabuo ko na ang mga legs, medyo nagulat lang din ako dahil naging madali ang proseso at agad ko nang nakikita ang resulta. Nakakatuwa dahil magiging massive ang scale nito na pwedeng i-partner sa mga KO Oversize Wei Jiang Transformers.

devastator day 1 leg build

Siguro pahinga muna ako dito at isunod ko naman ang mga thighs at crotch peices. Salamat sa inyong pagsubaybay hanggang sa susunod.

bottom of page