top of page

Our Recent Posts

Tags

Quick Draw #3: Korean Pop Star IU


I don't consider myself a big KPop fan, ilan-ilan lang sa mga korean stars ang sinusubaybayan ko, lahat nag-guest sa Running Man. Doon din una kong nakita si IU, 'yung episode na ginising niya ang mga host ng show through song (Same one na ginamit ko sa video "Good Day"). Bumida din siya sa mga korean novelas tulad ng Dream High at Scarlet Heart. Nitong April nilabas ng Netflix ang kanyang series na Persona.

August 2014 ko ito iginuhit at inabot lang ito ng 3 hours. Pagtanggal stress lang din ang dahilan kung bakit ko ito kinawa, na-bu-burn-out na siguro ako ng mga panahong iyon at kailangan lang ng panandaliang distraction. Pinapatugtog ko din yung Good day instrumental sa background habang nagpipinta ako. After nito 2015 na ulit ako nagkapagpaint pero bilang part na ng trabaho ko sa TV, nun yung kasagsagan pa ng Aldub noon.

bottom of page