top of page

Our Recent Posts

Tags

Quick Draw # 6: Yusuke Urameshi from Ghost Fighter)


Sa mga 90s kids na nahumaling sa mga panghapong anime, isa ang Yu Yu Hakusho o Ghost Fighter sa mga pinakaaabangan.

Naaalala ko pa noong High School ako, madalas lumiliban ako sa mga gawaing sa klase kapag naatasan maging "Cleaners" para lang umabot sa latest episode ng anime na ito. Noong kasi fresh pa sa amin ang konsepto ng anime, 'di kagaya ng mga nakagisnang cartoons, ang palabas na ito ay mas mature kung ikukumpara.

Relatable ang main character lalo na sa mga highschool student noon na may kani-knayang pinagdadaanan. Okay, sabihin na nating may fantasy elements ang show, pero maayos namang na-in-corporate ito sa istorya. Para sa akin ang istorya ng Yu Yu Hakusho ay isang "coming of age" story, from happy go lucky na teen, to a responsible young adult.

Sa umpisa pa lang ng show, pinakita na ang pagiging iresponsable ng protagonist. Kung tutuusin wala syang "hero" quality, basag-ulero, pabayang student, tulad ng karamihan sa kabataan at mga nagdaan sa ganitong yugto ng kanilang paglaki. Pero ipinakita din na hindi ito hadlang parang ipakita ang isa sa mga virtue na meron ang isang tao, katulad na lang ng compassion. Sa first episode namatay si Yusuke dahil sa pagsagip nito sa buhay ng isang bata. Dito nag-umpisa ma-redeem ang kanyang buong pagkatao at madevelop ang kanyang character. Nabigyan siya ng second chance at hinirang na maging detective ng kabilang daigdig.

Tulad ni Yusuke o Eugene, malaki pa rin ang chance na magbago ang mga kabataan na may negative qualities, kung tutuusin hindi pa huli ang lahat para ma-redeem nila ang kanilang sarili. Yun nga lang unlike ni Yusuke, hindi lahat nakakabalik mula sa kabilang buhay.

Nasa ilalim ang timelapse video ng ating bida. SUportahan nyo ang aming page sa Facebook:

https://www.facebook.com/FPSMedia.ph/videos/569644070236120/

Mag-subscribe din sa aming Youtube channel kung saan ay may Live drawing sessions tayo linggo linggo.

bottom of page