top of page

Our Recent Posts

Tags

Doki-doki TMGS3 Ep5: Activating 3P Route!


Wazzup, minna-san! It's been awhile! Ang tagal kong nawala (hahaha). Mga two weeks! Sumimasen! (Sorry!) Naging busy lang ako nitong mga nakaraang araw. Anyway, ipagpatuloy na natin ang 5th Otome Game Play natin ng Tokimeki Memorial Girls' Side: 3rd Story Premium. Last gameplay, nagawa nating pataasin into smiling state ang tokimeki heart ni Shitara-senpai.

Ngayong linggo, nagtagumpay tayo sa pag-activate ng 3P Route o Love Triangle route! Yatta! So imbes na tayo ang nag-aya makipagdate ay ang boys na ang kusang tumatawag satin para imbitahan makipagdate. At may choices na solo/2P date, meaning si Heroine-chan at ang caller lang ang magkasama at ang 3P Date kung saan makakadate ng ating bida ang dalawang bishounen natin na sina Konno Tamao-senpai at Shitara Seiji-senpai. Nasubukan din natin ang 3P Love Mode pagkatapos ng date kung saan alternate nating tsinatsansingan ang dalawang kadate natin (hahahahha). Habang nakikipagflirt tayo sa kanila, sinisiguro natin na pantay ang naipon na points habang nasa love mode upang iwasan na mabawasan ang affection points ng isa sa kanila. Dahil napataas din natin mula smiling state papuntang grinning state ang tokimeki heart ni Kaichou, sinubukan kong ibuhos effort ko sa love mode kay Seiji-san sa pagnanais na mapataas din affection nya na currently ay nasa smiling state pa lang. Unfortunately, nagtampo si Konno-senpai dahil nadedma sya sa Love Mode kaya naman mula grinning state ay bumaba pabalik sa smiling state ang kanyang tokimeki heart. Kaya lesson learned tayo dun (hahaha). Next time, gagawin nating pantay lagi ang kanilang affection points tuwing love mode lalo na at ang target nating ending ay 3P, meaning 2 jowa sa dulo ng laro. Joke lang po! (hahhaha) Basta malalaman nyo kung ano'ng ibig kong sabihin sa 3P ending.

Abangan nyo po iyan sa mga susunod pa nating gameplay ng TMGS3! Hanggang sa muli, minna-san. Dito na lang po muna ang kwentuhan natin. Kitakits next week! Ciao!

-Sen Yui

Comments


bottom of page