top of page

Our Recent Posts

Tags

Konami surprises fans with TMGS4!


To my co-Otome Gamers & TMGS Fanatics, may good news tayo! Yatta!

Last April, Game developer KONAMI announced the 4th installment of their popular Stat-raising Otome Game series: Tokimeki Memorial Girl’s Side, set to be released on 2020!

Ang saya-saya! Natupad na ang wish ko noon na sana hindi TMGS3 ang last game ng series! Gusto ko maiyak sa tuwa (Hahhaha).

Matatandaang ang 1st installment ng series na ito which is Tokimeki Memorial Girl’s Side ay ni-released noong 2002 for Playstation 2. Nagkaroon ito ng enhancement for Nintendo DS noong 2007 at naging Tokimeki Memorial Girl’s Side: 1st Love. Taong 2006 nang magkaroon ito ng sequel na Tokimeki Memorial Girl’s Side: 2nd Kiss at Tokimeki Memorial Girl’s Side: 3rd Story noong 2012. It’s been years since the last installment. Ang mga updates lang na sumunod ay iba’t-ibang version ng laro sa iba’t-ibang platforms. Kaya isang malaking good news talaga na masusundan ito ng TMGS4! Yatta!

Ito ay unang ibinalita sa isang TMGS event na Tokimeki Memorial Girl's Side DAYS 2019 Habataki Watcher Extra Number na ginanap sa Hulic Hall Tokyo noong April 13-14, 2019. Dito ipinaalam ang pagkakaroon ng Tokimeki Memorial Girl's Side 4.

TMGS4 HEROINE

Ang ating Heroine-chan ay isang part time writer ng Habataki Watcher magazine and at the same time High school student. Katulad ng TMGS3, meron tayong Pink-haired heroine, naiiba lang sa bangs (lol). Puro short haired girls ang bida sa TMGS series, sa kulay lang nagkakaiba, fetish siguro ng game developer short hair (hahhaha).

THE BACHELORS

Ryōta Kazama - The main love interest at kababata ng ating heroine na in love na sa kanya sa umpisa pa lang. Mukhang di na pala natin siya kailangan ligawan, siya na lalandi este magpapa-cute kay Heroine-chan? Interesting! At katulad ng mga main guy sa TMGS series ay sikat din siya at tyak na marami ding fan girls. Part time worker siya ng General Store Simon. Ang kanyang magiging Seiyuu o Voice Actor ay si Yūki Kaji na siyang nagboses sa mga Anime Characters na sina Eren Yeager (Attack on Titan), Alibaba (Magi: The Labyrinth of Magic), Yukine (Noragami) at marami pang iba. Bigating Seiyuu!. Base sa boses ni Yuki-san, naiimagine ko na ang character niya.

Nozomu Sassa – A Track and Field club member na madalas sa Hanagasaki seaside. Ang aking nakikinita sa kanya ay siya ang magiging nice senpai (upperclassman) ni Heroine-chan. Ang kanyang Seiyuu ay si Takuya Satō. Kung nalaro niyo na ang Otome Game na Norn9, mapapansin nyong siya ang nagboses kay Masamune Tōya.

Iku Honda - The smart-type. But this guy doesn’t look nerdy at all! Kala ko nga nung una siya ang feminine-type (lol). Either magiging classmate siya ni Heroine-chan or kouhai (underclassman). So far, sa mga nerdy-type na TMGS characters, si Konno Tamao-senpai ng TMGS3 pa lang ang gusto ko. Mukhang matitipuhan ko rin ‘tong si Iku-san dahil parang lively ang character niya. And look at that earing, he’s really not your typical nerd! Tiyak na di magiging boring dates nila ni Heroine-chan. Ang kanyang Seiyuu ay si Sōnosuke Hattori. Hmmm. Hindi pamilyar sakin si Sonosuke-san dahil wala pa siyang big projects na nahawakan. Mostly mga extra lang roles na nagagampanan niya tulad ng Customer, Civilian, Man in Glasses, Audience member at etc. So TMGS4 will be his 1st big project, I think? Ganbatte (good luck), Sonosuke-san!

Minoru Nanatsumori – The rebellious bishounen! (Damn Saeki, wtf are you doing here in TMGS4 Bachelors? Hindi ba't may TMGS2 Heroine ka na?! lol). Kung mapapansin ninyo, may pagkahawig siya sa ating Tsundere male lead Saeki Teru ng TMGS2. If ever hindi nakilala ni Saeki si TMGS2 Heroine-chan, malamang ganito magiging itsura niya dahil may pagkarebeldeng emo din siya (lol). Si Minoru-kun ay isang model, cosplayer (OMG. Excited ako dito.) at isang online streamer. Co-worker niya si Kei-chan ng TMGS1! Yatta! Ang magbibigay boses kay Monoru-kun ay si Yōhei Azakami na siyang Seiyuu din ng male hero ng larong Gods Eater 3 na kakareleased lang sa international market nitong February 2019 (GE3! My God! Bakit wala pa akong PS4?!).

Yanosuke Hiiragi – Isang actor ng Habataki Theater Group. Ang Seiyuu niya ay si Jun Fukuyama na siyang nagboses kina Kimihiro Watanuki (xxxHolic), Joker (Persona 5 Protagonist) at Yukio Okumura (Ao no Exorcist). Bukod sa magandang visual, mukhang magugustuhan ko character na ‘to ha, boses pa lang.

At nagbabalik din ang ating Fashion Police, Goro-sensei! (WTF) Sa pagkakaalam ko ilang years ang lumipas mula TMGS1 to TMGS3, makikita sa character ni Himurochi noong siya ay nagbalik sa TMGS3. Pero hindi ko maintindihan kung bakit di man lang nagbago itsura ni Goro-sensei, nakakaloka (hahaha). Ok lang sana kung bishounen ang itsura eh (lol).

SEN YUI’s Wishful Thoughts

More Bishounen Sana dagdagan nila ang main boys. Masyadong konti kumpara sa TMGS3. I’m not talking about the hidden characters. I want more Main Love Interests.

Boys Rival Mode – Nag-enjoy ako nito sa TMGS3! Kaya sana ilagay din nila sa TMGS4 para more story plot.

Devil/Angel Mode Heroine - Dahil dito kaya medyo nagkaroon ng character si TMGS3 Heroine-chan. So hopefully madagdag din ito. Lalo at naiiba ang interactions ng mga bachelors depende sa ugali ni Heroine-chan.

No Girls Rivalry – Iwas sakit ng ulo talaga pag wala ka nang iintindihing girls na magseselos sa pagiging close sa mga target love interest mo. Na-experience na natin sa TMGS3 ang saya pag supportive lang ang friends sa love life natin. Kaya sana ipagpatuloy ng Konami ito sa TMGS4.

Cameo – Since normal na nagbabalik mga past characters at kung tama hinala ko na sa Hanagasaki Town ang location, sana makita natin ulit ang mga bishounen from TMGS2. Marami akong gustong makita ulit tulad nina Tsundere Saeki, our buddy Hariya, our naïve teacher Wakaouji-sensei, cool Shiba-san and of course Masaki-senpai. Pero masaya ako na may cameo ulit tayo ng aking fave na si Kei-chan! Yay!

Curious din ako kung anong magiging title ng TMGS4. From 1st Love, 2nd Kiss and 3rd Story, ano kaya ang 4th? 4th Crush? 4th Promise? Baka ipasok diyan ang 4-leaf clover? (lol) Sa ngayon, wala pang announcement kung anong platform ang gagamitin sa TMGS4. Hopefully may pang NDS, PSP at PS Vita! Onegai!!! (Please!) At dahil di naman ako marunong magbasa ng Japanese, aasa lang ako sa mga fan translations. Sana magawan nila agad. Onegai, kami-sama! (Please, Lord!)

Source: https://aminoapps.com/c/otome/page/blog/tokimemo-news-tmgs-4-coming-soonest/dY3q_4wTbu1awbVVDP0P6n2DxXG464qZeZ


Kommentare


bottom of page