top of page

Our Recent Posts

Tags

Tennis no Ouji-sama: Motto Gakuensai no Ouji-sama (REVIEW Part4)


And I’m back, minna-san! How’s your week? Ako? Busy habang pinagsasabay ang trabaho at Otome Games (hahhaha). Anyways, as usual oras na naman para sa ating Weekly Otome Game review! Nitong mga nakaraang linggo, pinag-usapan natin ang larong Motto Gakuensai no Oujisama o The Prince of the School Festival mula sa Tennis no Oujisama / Prince of Tennis franchise. Dahil sa dami ng routes o love interests na available for romance, hindi kineri ng powers ko tapusin lahat sila in 1 review lang. Kaya naisipan ko silang hatiin. Especially dahil hindi ko pa naman talaga nagagawa lahat ng routes ng GakuPuri (shortcut name ng laro). Pinag-usapan natin sa Part 1 ang mga bishounen from Teams Seigaku at Yamabuki plus the visitors from Shitenhoji. Sa Part 2 naman ay ang ating mga elites from Hyotei at St. Rudolph. At sa Part 3 naman ay ipinakilala ko ang ating tennis members from Fudomine at Rokkaku plus another Shitenhoji visitor. Supposedly, hanggang part 3 lang dapat ang reviews ko at kasama dapat doon ang ating panghuling team. Pero dahil hindi ko pa nagawa ang routes ng team na ito, no choice ako kundi magdagdag na lang ng pang Part 4 review! Gomenasai! Masyadong tumagal ang review ko sa Motto Gakuensai no Oujisama! 38 boys/routes naman kasi laman ng larong ito. Kahit pa 2 weeks lang ang timeline ng laro, mahirap pa rin talaga mag marathon ng routes (lol).

Ngayong linggo, pag-uusapan natin sa ating Part 4 or last part review ay ang mga bishounen tennis players natin from Rikkai Daigaku Fuzoku Chuu o Rikkai University-Affiliated Middle School (Rikkaidai for short). Sila ang pinakaboss na nakalaban nina Echizen-kun sa National Tournament sa anime. They might have the boss aura on tennis courts, pero nagbabago ito pag nasa normal mode na sila. Excited na ba kayo kung paano sila makitungo sa ating Rikkaidai Festival Committee heroine-chan? Excited na rin ako magkwento (hahaha).

THE PRINCES OF THE SCHOOL FESTIVAL

Sanada Genichirou 3rd year at Vice Captain ng Rikkaidai. Katulad ni Tezuka-san ng Seigaku, madalas din siyang napagkakamalang teacher. Sino ba naman kasi ang mag-aakakalang middle schooler lang sila? (lol). Sa umpisa ay nakakatakot si Sanada-san dahil sa pagiging super strikto. Pero nagiging cute mga pagsagot at reactions niya kapag nilalandi este dumadamoves na ang ating heroine. Medyo pakialamera ang ating bida sa kanyang route, pero kinakailangan dahil sa pagiging super strict sa sarili ni Sanada-san. Habang nasa kalagitnaan ako ng route niya, narealize kong cute si Sanada-san at mas interesting kesa kay Tezukan-san (Gomen!). Gusto ko rin ang antics ng ibang Rikkaidai members sa love life ng kanilang vice-captain. Ramdam ko closeness ng buong team sa route niya.

Niou Masaharu3rd year regular ng Rikkaidai tennis club. Kala ko nung una wirdo siya dahil madalas siya gumamit ng “Puri!” word sa anime ng Prince of Tennis. Madalas din siya magprank on and off tennis court. Pero nagustuhan ko siya habang nasa route ako ni Sanada-san. Napakagentleman niya at supportive sa ating Heroine-chan. Feel ko talaga nagkagusto si Niou-kun sa ating bida na may gusto kay Sanada-san (lol). Anyways, nung sinubukan ko na ang route ni Niou-kun, medyo nadisappoint ako dahil parang nasampal agad ko sa flaws nya. I guess, natural lang na one good side lang ang nakita ko sa kanya sa ibang route dahil iba ang niroromansa ng ating bida at hindi pa natin masyado kilala si Niou-kun. At nang si Niou-kun na ang kinilala natin, mapapansin agad ang flaws niya bago makita ang iba niyang good side.

Kirihara AkayaYoungest at nag-iisang 2nd year student ng Rikkaidai regular members. Kilala siya bilang bayolenteng tennis player sa Prince of Tennis anime. Pero kahit nakakatakot siya sa court, childish at lively siya pag normal mode. Adorable and cute ang pagiging childish niya at hindi annoying. Kaya no wonder na nahulog ang loob ng ating bida sa kanya sa kabila ng pagiging bayolente sa tennis. Warning para sa mga nasa route, huwag nyo i-activate ang topic ni Yukimura-san sa route niya dahil may bug. Saka ko lang napansin ang problema sakin nung di ako nakatanggap ng tawag mula kay Kirihara-kun (lol). Btw, pina-inlove na naman ako ulit ni Atobe-sama sa route ni Kirihara-kun (hahaha). You’ll find out why kapag nilaro niyo na ang GakuPuri.

Yanagi Renji3rd year regular tennis member ng Rikkaidai. Isa sa Big 3 ng Rikkaidai kasama nina Yukimura-san at Sanada-san. Nagustuhan ko ang pagiging supportive ni Yanagi-san sa love life ni Sanada-san. Nagbigay siya ng tips kung paano ang dapat gawin pagdating sa nagugustuhan. Maging si Kirihara-kun ay nabigyan din niya ng tips, although medyo sarcastic nga lang (hahaha). Typical na data analyst tulad nina Inui-kun ng Seigaku na kababata niya, puro data ang bukambibig ni Yanagi-san. Pero gusto ko ang pagsasalita niya pag kausap si Heroine-chan, medyo gentle at sweet ang dating ng boses niya. Bagay na bagay ang Otome adventures motto ko sa kanya. My heart can’t help but go “Doki-doki”. Kaya kahit bored na bored ako sa topic niya, gusto kong pinapakinggan boses niya (lol).

Yagyuu Hiroshi 3rd year regular member ng Rikkaidai Tennis club. Masyadong matulungin ang lalaking ‘to. To the point na nakakaligtaan niya ang sarili niyang responsibilidad dahil sa pagtulong sa iba. Ang nangyayari, si Heroine-chan ang sumasalo sa mga duties niya. Buti na lang at nandyan si Niou-kun para ipaalala kay Yagyuu-san kung ano ang dapat na priorities niya. Disappointed ako nung natapos ko route niya dahil never niya tinanggal reading glasses niya or pinakita mga mata (lol).

Marui Bunta3rd year regular tennis member ng Rikkaidai. Feel ko nagkadiabetes ako sa route ni Marui-kun (lol). Wala siyang ibang topic kundi sweets at cakes. Kung ikukumpara siya sa isa pang matakaw na si Momo-chan ng Seigaku, mas pipiliin ko si Momo-chan dahil kahit papano iba’t-ibang pagkain ang sa kanya. Kay Marui-kun kasi ay puro matamis (lol). Ang dahilan niya kaya matakaw siya sa matamis na pagkain ay dahil sa pagiging acrobatic at energetic niya. Pero bakit si Kikumaru-san ng Seigaku ay hindi naman matakaw sa matamis tulad niya? (lol) Forgive me pero wala akong ibang maalala sa route ni Marui-kun kundi ang katakawan niya sa lahat ng pagkaing matatamis (hahaha).

Yukimura Seiichi 3rd year regular member at Captain ng Rikkaidai. Siya ang nag-iisang hidden character ng Motto Gakuensai no Oujisama. Dahil sa pagiging masakitin at madalas ay nasa ospital, hindi siya kasama sa activities ng mga tennis clubs sa School Festival. Pero dumadalaw pa rin naman siya paminsan-minsan para mangamusta sa mga team members niya. Although kaunti lang ang time ni Heroine-chan sa kanya, nahulog agad ang loob ni Yukimura-san sa kanya dahil na rin sa mga kwento ng ibang Rikkaidai members. Para sa mga gusto ma-activate ang route niya, kailangan munang tapusin lahat ng routes ng ibang Rikkaidai members. Dahil isa siyang hidden character, dapat ay iwasang maging close si Heroine-chan sa iba upang di maactivate ang mga routes nila. At kung nasa ibang route ka naman ng Rikkaidai, iwasan din na i-activate ang topic ni Yukimura-san upang di maapektuhan ng bug tulad ng kay Kirihara-kun.

SEN YUI’s FINAL THOUGHTS.

Natapos na rin natin sa wakas ang lahat ng routes! Yatta! Naka 4 weeks din tayo para sa 38 bishounens (hahaha). Nagpapasalamat talaga ako na nadiskubre ko ang Motto Gakuensai no Oujisama. Dahil nakita natin ang mga mukha ng ating mga paboritong tennis players kapag nainlove. Sa Rikkaidai team ng GakuPuri, pinapaborito ko ay si Sanada-san na sinunandan ni Yanagi-san. Pero overall, narito ang listahan ng mga pinaka naappreciate ko sa Otome Game na GakuPuri:

1. Atobe-sama – Hindi ko akalaing maiinlove ako ng husto kay Atobe Keigo-san sa larong ito. Mas nakilala natin siya ng husto dito. He might be narcissistic overbearing rich young master and full of himself, but he’s kind, attentive, protective and understanding kahit saang routes ka man mapunta. Although medyo strict siya sa routes ng Rokkaku members (lol). Marunong din siya makinig sa suggestions ng iba. Kapag lumalabas si Atobe-sama sa routes ng kahit anong members, lagi akong naiinlove sa kanya (hahaha). Isa sa most favorite routes ko ang kay Atobe-sama. Kilig na kilig ako dun (kyaaah!).

2. Rikkaidai – Naappreciate ko ang samahan ng Rikkaidai members. Supportive ang karamihan sa kanila pagdating sa lovelife ng isa’t-isa. Nagbibigay agad sila ng tips kapag feel nila nahihirapan ang kasama nila na manligaw o magparamdam kay Heroine-chan. Katulad ng kay Atobe-sama, pinaka fave ko ang route ni Sanada-san. Dahil kita sa route niya ang pagiging super supportive nina Yanagi-san at Niou-kun, idagdag pa ang mga antics nina Kirihara-kun at Jackal.

3. Fuji-senpai – Katulad sa anime ng Prince of Tennis, nakakainlove talaga si Fuji-senpai. Lalo na at madalas niya tuksuhin si Heroine-chan. Gusto ko rin ang boses habang ginagawa niya iyon (lol). Too bad at kay Yuuta-kun lang mahaba ang cameo niya.

And that’s it, my fellow Otome Gamers! Dito nagtatapos ang ating Otome Game Review para sa Motto Gakuensai no Oujisama o The Prince of the School Festival. Bukod sa Doubles no Oujisama at Motto Gakuensai no Oujisama, may iba pang Otome Game ang Prince of Tennis. Iyon ay ang Doki Doki Survival na may dalawang versions kung saan kasama ang mga tennis oujisamas ay nastranded ang dalawang heroines sa isang isla. Unfortunately, wala pang English translation ang laro (huhuhu). Hopefully, may mabait na gumawa ng fan translation in the future. Let’s all pray to that, mga kaibigan.

Bilang pangwakas sa Motto Gakuensai no Oujisama reviews, narito ang kantang Dear Prince na tiyak kong pamilyar sa mga nakapanood na ng anime. Ito ang pinatugtog sa ending ng National Tournament ng Prince of Tennis. Kinanta ito ng ating mga Ikemen Samurai ng Prince of Tennis na sina Echizen Ryoma-kun, Tezuka Kunimitsu-san, Atobe Keigo-san, Yukimura Seiichi-san, Sanada Genichirou-san, Kite Eishirou-san at Shiraishi Kuranosuke-san.

Hanggang sa muli!

-Sen Yui

Comments


bottom of page