top of page

Our Recent Posts

Tags

Tennis no Ouji-sama: Doubles no Ouji-sama - Girls, Be Gracious! (REVIEW)


Okaerinasai, minna-san! (welcome back, everyone!) Narito po ulit si Sen Yui para sa ating Otome Game Review!

Ngayong linggo, ipapakilala ko sa inyo ang ating mga drool-worthy bishounen for this week. Sila ay walang iba kundi ang mga nagagwapuhang tennis players ng TENNIS NO OUJI-SAMA anime o PRINCE OF TENNIS! Yatta! Napanood o nabasa niyo na po ang Prince of Tennis anime/manga? Itaas ang kamay este comment below! I really love this anime since napakaraming bishounen characters. Mapa-bida man o kontrabida, di mo mapipigilan ang sarili mong mag-ilusyon na sana ay totoo sila! (hahaha)


Ang larong pag-uusapan natin ngayon ay ang Nintendo DS game na gawa pa rin ng Konami at pinamagatang TENNIS NO OUJI-SAMA: DOUBLES NO OUJISAMA – GIRLS, BE GRACIOUS! na nireleased noong 2009. May male version ang larong ito na may title na Doubles no Oujisama - Boys, Be Glorious! na solely for tennis game lang at may male hero na nangangalang Kagami Musashi. Habang ang “GIRLS, BE GRACIOUS!” naman ang pinagbibidahan ng younger sister niya na si Kagami Azuma kung saan bukod sa tennis game ay maaari ring maka-date este maging kaclose ni Heroine-chan ang kanyang ka-doubles partner.

MORE THAN FRIENDS, LESS THAN LOVERS

Ang ating heroine ay si Kagami Azuma, 2nd year transferee student ng Ourin Middle School. Kakalipat lang ng family nila sa syudad ng ating mga bishounen. Magkapareho lang sila ng plot sa version ng kanyang kapatid, nagkakaiba lang sa point of view. Walang club na available for serious players ng Tennis ang Ourin Middle School kaya naman nagdesisyon ang ating bida na maghanap ng public tennis court kung saan siya maaaring maglaro ng kanyang sport. Habang nililibot ni Azuma-chan ang bago nilang nilipatang syudad ay may makikilalang siyang tennis players at isa na rito si Atobe Keigo-san. Dahil napabilib niya ang Hyotei captain sa kanyang tennis skills ay inimbitahan siya nitong sumali sa in-organized nitong Doubles Tournament. At sa naturang tournament na ito ay maraming bishounen players na makikilala ang ating heroine na magiging ka-close niya sa loob ng 1 buwan. Ang goal ng player ay maipanalo ang ating heroine-chan kasama ang napiling doubles partner sa mga matches nila at makarating sa championship. Of course, habang naglalaro ng tennis ay lumalalim din ang samahan ni Azuma-chan at ng kanyang ka-doubles partner (hahaha). May dalawang route ang larong ito. May 1 doubles partner route at may 2 doubles partners. Yup, mamangka sa dalawang ilog si Heroine-chan (hahaha), so asahan ang mga selosang magaganap (lol)!

THE PRINCES OF TENNIS

Ang mga pictures na pinili ko para sa kanilang character introduction ay ang anime version nila para kita niyo kung gaano sila kapogi (kyaaah!).

Ryoma Echizen

– 1st year student ng Seishun Gakuen (Academy) or Seigaku. Isang arogante but genius tennis player. Depende sa zodiac sign at blood type ng player, makikilala siya ni Heroine-chan habang naghahanap ng tennis court at magiging 1st double partner niya o habang naglilibot sa syudad pagkatapos ng kanyang klase. Para sa mga fans ng Prince of Tennis anime, matutuwa kayo kay Ryoma-kun dito dahil makikita natin siyang ngumiti sa wakas! Lalabas din ang pagiging sweet niya the moment na maging close na siya sa ating bida. Kaya mapapasigaw ka talaga sa kilig especially kung fangirl ka ng Prince of Tennis anime bago ito nalaro.

Keigo Atobe

– 3rd year student at tennis club captain ng Hyotei Gakuen. Mayaman, mayabang at narcissistic. Masasaksihan niya ang galing ni Heroine-chan sa tennis at aaluking sumali sa Doubles Tournament na kanyang inorganisa para sa lahat ng Tennis players mula sa iba’t-ibang eskwelahan. Hindi ko pa nasusubukan ang route niya kaya hindi ko alam kung ano ang ugali niya as a doubles partner. Pero kung pagbabasehan ang character niya sa isa pang dating game na Tennis no Oujisama: Motto Gakuensai no Oujisama, mukhang nakaka-inlove siya once mapalapit siya sa isang tao.

Kunimitsu Tezuka

– 3rd year student at tennis club Captain ng Seigaku. Medyo disappointed ako sa mga graphics niya dahil mukha siyang matanda. Mahigpit siya kahit sa hindi niya ka-club member (hahaha). He acts and sounds like a Coach as a doubles partner, so akala ko sa simula hindi siya romantiko (lol). Pero once napalapit ka na sa kanya, may matutuklasan kang nakakagulat na hindi mo aakalain dahil sa image niya.

Eiji Kikumaru

– 3rd year Regular ng Seigaku Tennis Club. Napaka-cute ni Eiji. Caring at sweet din siya as a doubles partner. I think sa lahat ng guys, siya lang ang nakapasok sa kwarto ni Heroine-chan at dumaan pa sa bintana (lol). Ang route niya ang pinakapaborito ko sa lahat dahil alam niya paano pakiligin doubles partner niya (hahhaha).

Kaoru Kaido

– 2nd year Reguar ng Seigaku Tennis Club. Nakakatakot siya sa simula dahil sa mga mata niya pati na rin sa kanyang mga salita, pero napaka-caring ng lalaking 'to. Nakakatawa siya during nickname event na nila with Heroine-chan, nagmura siya (hahaha). Madalas magtaas siya ng boses dahil mabilis siya mainis at maiksi pasensya pero kumakalma din naman agad siya at marunong magsorry pagkatapos.

Sadaharu Inui

– 3rd year Regular member ng Seigaku tennis club. Puro data ang laman ng utak. Pinipilit niyang painumin ng energy mixed drink niya ang ating bida every chance he gets (hahaha). Nakakatawa siya 'pag nahulog na ang loob niya sa kanyang doubles partner. Nandyan 'yung gusto niyang makabisado ni Heroine-chan ang kanyang data. Tapos 'pag nakita niyang nag-ayos ang ating bida ay biglang nagugulo utak niya, sa sobrang pagka clumsy ay nagsosorry pati sa pader (lol).

Akira Kamio

– 2nd year at Tennis Club Vice Captain ng Fudomine Junior High. Medyo mahiyain once mahulog na ang loob kay Heroine-chan. Sa sobrang pagkamahiyain, tumakbo siya palayo (lol).

Kuranosuke Shiraishi

– 2nd year student at tennis club captain ng Shitenhoji Junior High. Friendly siya pero nakakarindi ang kanyang signature line na “Ahhh...Ecstasy!” (hahhaha) Pero gusto ko siya dahil maalaga siya sa kanyang kouhai na si Kin-chan (Toyama Kintaro).

Ang mga sumusunod na Tennis Players ay hindi ko pa nasusubukan ang mga routes so wala akong masasabi sa mga ugali nila as a doubles partner. Gomenasai (sorry).

Masaharu Nio

– 3rd year student at tennis club member ng Rikkai Dai Fuzoku Chuu o Rikkai University-Affiliated Middle School.

Hajime Mizuki

– Tennis Club Manager at 3rd year student ng St. Rudolph Academy. Sa mga fans ng Prince of Tennis anime, maaalala mo siya as the annoying and villainous guy.

Kiyosumi Sengoku

– 3rd year tennis club member ng Yamabuki Middle School.

SEN YUI’S THOUGHTS

Kung fan ka ng Prince of Tennis, matutuwa ka sa larong ito dahil mararanasan mo kung paano ang feeling na maging ka-doubles partner ang ating mga paboritong characters. Ang big problem lang ng larong ito ay ang GRAPHICS. Hindi maayos ang pagka-cropped ng images. Hindi ko rin ang gusto ang drawing ng mga characters, nabawasan ang kanilang pagkabishounen. Kung hindi ka fan ng Prince of Tennis, I don’t think pag-aaksayahan mo ito ng panahon. Buti na lang maayos at may mga boses naman ang ating bishounen kahit papano. Nakakapag-enjoy pa rin ang mga fangirls na tulad ko. Gusto ko ang heroine sa larong ito. May karisma siya at aware siyang namamangka siya sa dalawang ilog dahil nagiguilty ‘pag nahuhuli (hahahaa). Sayang at wala sa list of doubles partner si Fuji-senpai. Siya pa naman pinakapaborito ko sa POT series aside from Echizen (hahaha). Isa pa sa gusto ko sa larong ito ay ramdam mo na parang side story ang game na ito sa Prince of Tennis series. Binanggit through text messages ang panggugulo ni Kirihara sa Seigaku club. So nangyari ang timeline ng game bago pa man makarating ng finals ang Seigaku members. At dahil kinakailangang pumuntang amerika ng bida sa katapusan ng laro, nangako ang kanyang mga ka-doubles partner na maghihintay, susulat at mapanalunan ang championship (tournament na nasa main plotline ng POT series). Nagsilbing one of the memorable days ng players ang mga practice at doubles matches nila kasama si Azuma-chan. At ayon sa anime/manga ng POT, pupunta ang mga bishounen natin sa amerika kaya possible na magkita ulit sila ng ating heroine-chan. Hopefully gawa ng Konami ng sequel. At sana maayos na ang graphics (hahhaha).

Otome Game Rating: 3.5 out of 5 stars.

Panira ang graphics pero nag-enjoy naman ako. Abangan niyo po ang susunod nating Otome Game review featuring our Princes of Tennis! Ang Tennis no Oujisama: Motto Gakuensai no Oujisama! Mas maraming choices dun at romance ang plotline (hahhaha). Doon 'ko na-appreciate ng husto si Atobe-san! (kyaaah!) Kaya abangan n'yo po iyan. Till next time again, minna-san! Sayonara!

-Sen Yui

Comments


bottom of page