top of page

Our Recent Posts

Tags

Tokimeki Memorial Girl's Side: 2nd Kiss (REVIEW)


I’m back, minna-san!

Once again, it’s Sen Yui at your service! And I’m back for another Otome Game Review! Since sinimulan na nating i-review ang TMGS1 or Tokimeki Memorial Girl’s Side: 1st Love, pag-usapan na rin natin ang mga sumunod na sequel. Kaya naman ang i-rereview natin ngayon ay ang part 2 ng sikat na otome game series ng Konami, ang TMGS2 o Tokimeki Memorial Girl’s Side: 2nd Kiss!

Dahil sa kakaibang stat-raising game play at skinships feature sa TMGS1 ay hindi nakapagtatakang maraming Otome Gamers ang na-hook sa larong ito, idagdag pa dyan ang eye candies na sina Kei-chan at Himurochi <3. Kaya naman di nag-atubili ang Konami na sundan agad ng TMGS2 ang naturang serye noong 2007. Malalaro ito sa Nintendo DS at Playstation 2.

I’m so excited magreview nito! Marami akong gustong characters sa sequel na ito. Kumpara sa 1st part na sina Kei-chan at Himurochi lang ang gusto ko, sa second series naman ay maraming high quality bishounen! Excited na ba kayong makilala mga prinsepe natin for this week? Don’t you worry, my fellow otome gamers, sit back and relax, dahil sagot ko ang kwento today!

OUR HEROINE-CHAN

Napakaflirt ng ating TMGS2 heroine-chan, I’m telling you! Kung feel n’yo masyadong touchy ang bida sa TMGS1, pwes mas touchy itong si TMGS2 Heroine-chan! Walang pinipiling lugar. Basta gusto niya humarot, gora! Kawawa yung boys (hahhaha). Tapos magpapanggap pa si girl na inosente pagkatapos niyang ubusin pasensya ng kanyang kadate (lol). Katulad sa TMGS1, mayroon ding lil bro si Heroine-chan dito at ang kanyang pangalan ay Yuu-kun na siyang magiging mala-detective mo para kunin ang details ng iyong target love interest.

THE PLOT

Ang location ng ating sequel ay sa isang kalapit syudad lamang ng ating Habataki Town sa TMGS1, ang lugar kung saan nag-aaral ang TMGS1 Hidden character na si Jin Tendo, ang Hanagasaki Town. Isa itong lungsod na malapit sa dagat. Medyo hawig ang baybayin ng Hanagasaki sa ending scene ng TMGS1 kung saan nagcoconfess ng feelings niya ang bestfriend guy ni TMGS1 Heroine-chan. So malakas hinala ko na Hanagasaki beach ang pinupuntahan nila. Anyways, ang ating TMGS2 Heroine-chan ay galing sa Hanagasaki noong bata pa siya. At tulad ng ating bida sa part 1 ay kailangan din niyang umalis at magpaalam sa kanyang childhood friend. Matapos ang ilang taon ay nagbalik si Heroine-chan sa Hanagasaki bilang High School freshman at muli niyang nakita ulit ang dati niyang sweet at cute na kababata na naging tsundere-kun na pagbalik niya. Ngayon bakit 2nd kiss ang title ng sequel na ito? Malalaman niyo pag nilaro ‘nyo ito (lol). Basta ang pinaka big deal dito ay kung sinong maswerteng bishounen ang mabibigyan ng ating Heroine-chan ng kanyang matamis na 2nd kiss. Makakajackpot kaya ulit ang ating 1st kiss guy? O may ibang magwawagi nito? Kaya kapit mga kapatid at kilalanin natin ang ating mga prinsepe sa Tokimeki Memorial Girl’s Side: 2nd Kiss!

THE PRINCES

Saeki TeruOur Tsundere-kun! He’s our main guy sa TMGS2 so makikilala mo na siya agad sa intro pa lang. As the game’s male lead, siya ang may best visual sa lahat. Matalino, masipag at sikat. Unlike our introvert Kei-chan from TMGS1, friendly siya sa lahat maging sa fan girls niya (lol). Napansin niyo ba na hindi ko nilagay ang term na “mabait”? (Hahhahha) I’ll tell you why. Kung kay Kei-chan, gusto ko siya kulitin, magpacute at titigan siya buong araw, dito naman kay Saeki, gusto ko siya batukan the moment na buksan niya bibig niya. Yup. He’s a jerk sa ating Heroine-chan. Lagi pa nambabatok (chop) every chance he gets. I think siya dahilan kung bakit di tumatangkad at nagiging boba ang ating Heroine-chan! He’s so not cute at all! Nawala na ang sweet childhood friend ng ating bida. I can say na nasa Love-Hate relationship kami ni Saeki pag nilalaro ko TMGS2. Pasalamat siya pogi siya (lol). Feel na feel ng lalaking ito kasikatan niya at ayaw niyang nasisira prince-like image niya sa fans niya. At dahil sa aksidenteng nakita ni Heroine-chan ang uncool image niya as a working student sa isang coffee shop sa may dalampasigan ng Hanagasaki, nakatanggal na lagi ang mask niya sa tuwing sila lang dalawa. Binalaan din niya syempre ang ating Heroine-chan na wag siya ibubuking sa school especially sa fan girls niya (lol). Dahil type ko mga shy at nice bishounen ay hanggang bestfriend lang talaga ang tingin ko kay Saeki. Pogi lang siya sa mga mata ko pag di niya binuksan bibig niya at pag nakatali din mga kamay niya (hahhaaha). May pagka-emotero din ang lalaking ito at naaasar ako dun lalo at maiksi pasensya ko sa mga ganitong kadramahan (lol). You can call this guy Saeki-kun, Saeki-san, Saeki, Teru-kun, Teru, Terurin, Terutan, depende sa closeness niyo. (Kinikilabutan ako sa Terurin at Terutan. WTF. lol) Kung ayaw mo mabatukan, never call him Ouji-sama at Saeteru. If you want to get this tsundere-kun’s ending, kailangan mo lang ng parameters na 150+ sa Intelligence, Arts, Style at Fitness, 90+ naman sa charms at 110+ sa Social. Pahirapan talaga stats pag main guy. And of course, he needs to be on a blushing or tokimeki state sa iyong tokimeki panel.

Hariya Kounoshin – Our favorite buddy, Hariya! Mabait, friendly at musically talented. Siya ang lalaking either magkakacrush ka on first sight dahil sa kanyang talent or ang best friend mong di mo napapansin ay unti-unti mo na palang nagugustuhan. The latter happened to me when it comes to Hariya. I love this guy. At first gusto mo lang siya makahang-out lagi but habang tumatagal ay lalo mo siyang nakikilala, lalo ka ring nahuhulog hanggang sa kinakailangan mo nang pumili kung gusto mo dalhin sa next level ang friendship niyo. Mas type ko lalaking 'to kesa kay Saeki dahil ramdam mo pagiging protective niya as a friend at once na mahulog na siya sa’yo ay lalo pa siyang magiging caring and sweet. Everybody needs to have their own Hariya, promise! Makikilala mo siya pag napataas mo na sa 55 ang Style stats mo o pag nagpart time ka sa Music House NEI. Depending on your closeness, you may call him Harii, Hariri, Hariya-kun, Harii-sama and Kou. Taboo sa kanya ang Kounoshin (he doesn’t like his name lol), Hari-senpon, Bando-kun at Noshin. To get his ending, kailangan mo lang ng parameters na 200+ sa style,150+ sa charms at nasa tokimeki state.

Shiba Katsumi – Our knight in shining armor ouji (prince)! He’s our athletic man and a man of few words.. At first matatakot ka sa kanya dahil sa kanyang mga mata. But since niligtas ka niya from an accident, hindi ako magtataka kung naghugis puso agad mga mata ni Heroine-chan. Kahit ako, crush agad siya at first sight! Nakadagdag din sa pagiging cool niya ang kanyang tanned skin. Siya 'yung lalaking itutulak ka palayo at pandidilatan ka pag masyado kang malapit o friendly sa kanya. Pero dahil alam mong mabait siya na resulta nang pagligtas niya sa’yo, kukulitin mo siya hanggang sa makuha mo puso niya (hahhaha no one can escape the TMGS Heroine’s flirty moves! lol). Once na ma-inlove na sa iyo si Shiba ay magiging super protective na siya sa iyo, mapapa-sigh ka na lang lagi sa pagiging swerte mo sa kanya. Makikilala mo siya pag sumali ka sa Baseball Club o mapataas mo sa 55 ang iyong Sports stat. Depende sa closeness n’yo, pwede mo siya tawaging Shiba-kun, Shiba-san, Shibayan, Katsumi-kun, Katsumi or Kaachan <3. Never call him Shibakatsu or Shiba no Aniki (big brother Shiba). To get his ending, you need to have 200+ fitness, 150+ Social and Tokimeki state affection.

Masaki Motoharu - He’s your senpai! Although graduate na siya (lol). Mabait, caring at masipag. He’s the type na naging kapitbahay mo nung bata pa at naging crush mo dahil napakacaring niya sa lahat. He’s that kind of guy. Although medyo mahihirapan si Heroine-chan makagraduate sa little sis treatment, pero kelan ba nabigo ang isang TMGS heroine sa kanyang love adventures? (lol). Naaawa ako kay Masaki-senpai pag humaharot na si Heroine-chan lalo na pag hinahatid na niya pauwi gamit ang kanyang kotse. Masyadong delikado ang kanilang pag-uwi dahil sa pagiging maharot ng kanyang passenger (lol). Makikilala mo siya sa Anneri Floral Shop. You can only call him Masaki-senpai (hahaha. Poor you.) To get his ending, kailangan mo ng 150+ sa fitness at social and tokimeki state affection.

Hikami Itaru – The nerd guy. Pero unlike the TMGS1 Sakuya, hindi boring si Hikami. Gusto ko mga blushing reactions niya at pagiging conservative. Kahit pa nawiwirduhan ako sa hairstyle niya (lol). Pinsan niya si Himurochi kaya hindi kataka-takang super conservative ang lalaking ito (hahaha). Cute ang mga reactions niya pag siya ang kinukulit ni Heroine-chan. At pag nainlove na siya, pasimple siyang magdadahilan na kailangan nila magholding hands as a means of “escort” during dates (lol). Kailangan mo sumali sa student council o pataasin sa 55 ang study stats mo para makilala siya. Pwede mo siya tawaging Hikami-kun, Hikami, Kaichou, Itaru-kun, Itaru-san, Itaru o Hikami-chi depende kung gaano kayo kaclose. Taboo name ang Taruchan o Gariben-kun (bookworm). You need to have 200+ study, 150+ social at tokimeki state affection para makuha ending niya.

Christopher Weatherfield – The femine type. Honestly, mas girly pa buhok ng lalaking to kesa kay Heroine-chan. Maganda visual niya, nakakaasar lang ang boses (hahhaha). Foreigner kaya weird ang accent niya. But still nakakarindi pakinggan. Mas tanggap ko pa kansai dialect ni TMGS1 Kirijyo. Mabilis mainlove si Chris kay Heroine-chan. Di ko lang masyado maenjoy route niya dahil sa boses. Possible din na di 'ko lang talaga gusto mga feminine bishounen? (lol). Makikilala mo siya pag sumali ka sa Art Club o pag napataas mo sa 55 ang iyong Art stats. You can call him Chris-kun, Chris, Chris-han, Kuribou, Kuu-chan and Darling <3, depende sa closeness niyo. Never call him Ogenki-kun, Ecchi Uchuujin (Perverted Alien. WTF.) or Obocchan (Young Master). Para makuha ang kanyang ending, kailangan mo lang ng tokimeki state affection, 200+ Arts at 150+ Social.

Amachi Shota – Your kouhai. Honestly, kung hindi ko lang nalaro TMGS3, sasabihin kong walang matinong kouhai sa TMGS series. Buti na lang at nasave ng GS3 ang “kouhai” term. Anyways, siya ang pacute na underclassman ni Heroine-chan. Kunyari cute pero two-faced pala. Binubuhay niya ang maternal instincts ng mga female senpai niya para bigyan siya ng mga gusto niya. I don’t like this guy since pa-cute lang siya at di mahaba pasensya ko para makisakay sa drama niya. Automatic mo siyang makikilala on your second year kahit gusto mo pa siya iwasan. You can call him Amachi-kun, Amachi, Amayan, shota, Shota-kun o Shou-kun, depende sa closeness niyo. Taboo name ang AMASHO, Shota-chan, or Angel-kun. Para makuha ang kanyang ending, kailangan mo ng 100+ sa Intelligence, Arts, Style at fitness, 90+ sa social, 70+ sa charm and tokimeki state.

Wakaoji Takafumi - Our naïve but cute sensei! He’s super genius but clumsy. Love siya ng lahat dahil sa pagiging scatterbrain niya. If you’re into older but cute guys, he’s for you! Medyo may pagkaweird din siya pero naisasalba naman ng pagiging loveable character niya. Nabubuhay maternal instincts ng girls sa paligid niya (lol). You may call him Wakaoji-sensei, Waka-sama, Sensei, Waka-chan as a student and Takafumi-kun o Takafumi-san naman pag close na kayo. Never call him Dr. Wakaoji, Wakafumi o Waka-PURI. Kailangan mo ng stats na 150+ sa intelligence, 120+ sa style & social at tokimeki state affection para makuha ending niya.

Akagi Kazuyuki - Our hidden character from Habataki High! Yup, he’s from our TMGS1 school! Isa siyang student council member na makikilala mo pag nakapagshopping galore ka na ng 5 beses. Parang anime ang plot ng meeting niyo. Accidentally magkakakilala at maiinlove ka sa pagiging mabait at gentleman niya. Nakakaasar lang pagiging boba ni Heroine-chan when it comes to Akagi-kun kaya typical plot sa anime, may mga misunderstandings na prob sa route niya. Para makuha ending niya, dapat ay wala kang ibang kaclose na lalaki na nasa grinning state pataas. Of course kailangan mo rin magshopping galore ng sandamakmak para magpatuloy route niya bago pa man dumating ang graduation.

Majima Tarou – The king of jerks! Oh well, di ko nalaro route niya since lahat ng reviews or walkthroughs na nabasa ko ay puro negative ang reactions regarding sa character na ito. I want a doki-doki otome life ok? Ayoko ng heartbreaking story. Base sa mga nabasa kong walkthoughs and guides, kailangan magpakamasokista ng player para makuha ending niya (WTF). May pagkaboba si Heroine-chan sa route niya. Isa siyang player na paulit-ulit na sinasaktan ang ating Heroine! Nauubos na nga ni Saeki pasensya ko kaya never ako magpapakamasokista sa lalaking ito kahit pogi pa siya. He’s your senpai at matagal bago pa siya mauntog at mainlove sa’yo. Gusto ko sampalin si Heroine-chan. Mas keri ko pa pagtiyagaan si jerk Saeki kesa kay king of jerks Majima. How to get his ending? Seryoso kayo? No other guy on tokimeki state. Kailangan din ng 160+ charm para makuha ang isa niyang event. Other requirement? Kailangan mo maging masokista at super mahabang pasensya para matapos route niya (lol).

Komori Taku – Our cute hikikkomori! Para siyang si L ng Death Note <3! Introvert ang bishounen na ito at ayaw pumasok ng school. Kaya napag-utusan ka ni Waka-chan na kumbinsihin si Komori-kun na pumasok. Syempre matyaga si Heroine-chan sa mga ganyang klaseng panghaharass este pangungulit. Basically uubusin mo oras mo sa pag-aabang sa bahay nila para kumbinsihin siyang pumasok. Syempre, wala pang nakakalampas sa tyaga ni Heroine-chan at maiinlove sa kanya si Komori. Para makuha ang kanyang ending, katulad ng ibang hidden characters, kailangan ay wala kang ibang kaclose na boys at nasa 260+ ang iyong social stats.

LOVE MODE

Ang additional feature ng TMGS2 na wala sa 1st part ng series! Nangyayari ito after dates kapag maganda resulta at good mood ang iyong kadate at medyo mataas ang affection niya sa iyo. Ang love mode ang chance ni Heroine-chan para molestyahin este makipagharutan sa kadate niya kapalit ng sandamakmak na heart points. Maglalakad sila pauwi ni guy habang tinititigan, hinahawakan, hinahaplos o tini-tease ni Heroine-chan ang mukha ni target love interest (lol). Nakakaloka ang reactions ng boys dito dahil kahit mukha lang naman ang hinawakan ay para silang naha-high (lol). Madalas na result nito ay napupuno na ang kadate ni Heroine-chan at pagsasabihan siya na wag masyadong maharot dahil baka maging wolf sila (lol). Tapos ang ating Heroine-chan naman pakunyari inosente, na di alam kung anong mali ang nagawa niya (hahaha). Nakakaawa dito si Masaki-senpai dahil nagdadrive siya habang hinaharot siya ni Heroine-chan (lol). Gusto ko sampalin si Heroine-chan habang nasa route niya. Like, girl, gusto mo maaksidente? Pero feel na feel ko love mode dahil ang ganda ng music niya. Madadala ka talaga. Dapat nga lang nakaheadset ka dahil sa reactions ng boys na mala R18 ang boses (lol). Nakakapanghinayang na walang ganito sa TMGS1. Eh di sana namolestiya este naharot ko rin sina Kei-chan at Himurochi (huhuhu).

SEN YUI’S THOUGHTS

Gusto ko ang TMGS2 kumpara sa TMGS1 syempre dahil mas marami loveable bishounen. Feel na feel ko rin ang pagiging Heroine dahil nakakaramdam ako ng pagkakaroon ng Love-Hate relationship kay Saeki, pagka-inlove kay Hariya at Shiba at madala sa love mode ng guys. Andito pa rin ang bestfriend routes at mas ramdam mo ang pagiging bestfriend ni Heroine-chan sa boys. Although masakit sa puso i-frienzone sila dahil ramdam mo talaga nasaktang feelings nila na tumatagos sa gadget screen mo. I think Saeki got the most saddest ending on bestfriend route. Nakarma sa pambabatok o pa-chop niya (lol). Kaunti lang din ang chance na makakatanggap ka ng bomba so no prob kahit marami kang makilalang boys. At dahil may love mode, no prob na kahit may pumutok na bomba dahil kayang-kayang bawiin ang mga nabawas sa affections through skinships on after dates. Kung gusto mo naman i-diffuse ang mga bomba, pwede mo tawagan ang boys sa mga araw na alam mong di sila available, para di na kailangan magsayang ng date sa kanila and at the same time masosolve mo ang bomba. Narito pa rin ang girls rivalry, pero kung alam mo kung sino ang dapat iwasan sa bawat bishounen, no worries pa rin. By the way, nandito rin ang pamangkin ni Goro-sensei na si Hanatsubaki Himeko na siyang sagot sa fashion style mo. Madalas niya tawaging Daisy as nickname si Heroine-chan. Mas ok pa sakin si Himeko-sama kesa sa tito niya (hahha). Isa rin sa mga gusto ko dito ay kapag natapos na ni Heroine-chan ang kanyang part time job ay susunduin siya ng kanyang target love interest sa work at ihahatid pauwi. Feel na feel ko ang love nila sa ating bida <3. Of course, isa din sa ikinatuwa ko sa TMGS2 ay ang mga cameos ng ating TMGS1 characters. Kayo na bahalang maghanap kung nasaan sila, pero natatawa talaga ako kay Aoki, I don’t know kung naliligaw pa rin ba siya at nagtatanong ng direksyon (lol).

Dalawang character lang ang di ko gusto sa 2nd Kiss. Si Amachi and of course Majima. I don’t know kung bakit naisipan ng Konami idagdag si Majima na masyadong binababa ang pagkatao ng ating Heroine-chan para lang makuha ang kanyang happy ending.

Katulad sa TMGS1 ay maganda pa rin ang music background ng laro. Madadala ka sa confession scenes nila, sa drama at maging sa pakikipagharutan (lol). Since marami akong gustong guys sa 2nd Kiss, I’ll rank them base sa pinakagusto ko. Di ko ginawa ito sa TMGS1 since sina Kei-chan at Himurochi lang naman ang gusto ko dun so useless din ang magranking. Wag na umasang isasama ko sa rank sina Amachi at Majima. Dapat sa kanila makick-out sa TMGS2 (lol).

1. Hariya & Shiba (Hindi ako makapagdecide kung sino pinakafave ko sa kanila lol).

2. Saeki (Kahit asar ako sa pambabatok ng tsundere na ito. Pero dahil feel ko pagiging bff namin, pasado siya. Hahaha)

3. Masaki-senpai (Feel na feel ko pagiging lil sis sa kanya.)

4. Waka-chan (Clumsy & naïve but cute)

5. Hikami-kun (Nerd with adorable reactions)

6. Akagi-kun (I would love for this guy to get a high ranking pero masyadong kulang ang scenes para makilala ko pa siya ng husto tapos istorbo pa mga misunderstanding plot line.)

7. Motori-kun (Cute L! Pero nakakabitin. Kulang sa interaction dahil sa pagkukulong niya sa bahay. Hahaa)

8. Christopher (Maganda visual niya at cute ngumiti kaya nasa list siya. hahhaha)

Rating: 4.6 out of 5 stars.

And that’s all for now, folks! Abangan n’yo po ang next review ko about the 3rd game of GS Series. Syempre I’m talking about Tokimeki Memorial Girl’s Side 3rd Story o TMGS3! Wala yata akong di gusto dun? (hahhaha <3) Kaya abangan n’yo po ako ulit sa susunod na Saturday!

Kaya mattane, minna!

-Sen Yui

Comments


bottom of page