top of page

Our Recent Posts

Tags

  • Writer's picturefps

‘MALCON’ balik-bayan sa July 15-17

BY MALCON TEAM



Nakatakdang bumalik ang inyong paboritong Malolos Toys and Hobbies Convention (MALCON) sa bayang pinagmulan nito, ang Malolos City, sa July 15-17, 2022.


Sa kauna-unahang pagkakataon, nakipag-partner ang MALCON sa Vista Mall Malolos, ang venue para sa tatlong araw na homecoming event.


Ang MALCON ay ang isa sa pinakamalaking toys and hobbies event sa bansa na naglalayong pagbuklurin ang iba't ibang kolektor ng laruan, cosplayers, mahihilig sa pelikula at games at iba pang hobbyists.

Pinamagatang “MALCON x VISTA MALL” ang event at tampok ang lampas 2,000 mga laruan mula sa iba’t ibang anime, Japanese shows, movies


Ang kilalang lifesize toy maker at designer na si Jerry Santos ay nakatakdang mag-exhibit ng kaniyang

mga obra na anim na talampakan ang taas.


Kabilang diyan ang Marvel at DC statues na: “Captain America,” “Incredible Hulk,” “Ironman” at lalong-lalo na “Thor” sakto sa ipinapalabas ngayon na 2022 movie “Thor: Love and Thunder.”

Ipapakita rin ni Santos ang kaniyang Star Wars lifesize collection tulad ng R2D2, Darth Vader at iba pang surprise statues.


Nakatakdang mag-guest si Santos sa ikatlong araw ng MALCON event para talakayin ang iba’t iba niya proyekto tulad ng kolaborasyon niya sa Netflix Philippines at Mobile Legends.


Para maipamalas ang husay at talento ng mga taga-Bulacan, inimbitahan muli ng MALCON si Christian Rodil, ang lumikha ng MALCON mascot at kasalukuyang costume designer ng ABS-CBN para sa ipalalabas na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series."


Ibabahagi rin ng MALCON ang husay ng Malolenyo sa workshop ni scratch toy builder Kris Morato.



Cosplay Competition


Samantala, nag-organisa rin ang Anime Cosplay Empire (A.C.E.) ng isang kiddie cosplay competition.

Ang patimpalak ay para sa edad labindalawa pababa. Maaaring kumuha ng inspirasyon ang mga kalahok sa iba't ibang genre tulad ng anime, movies, comics, at games. Libre ang pagpaparehistro sa cosplay contest sa mismong venue sa July 16, 2022 mula 10:00am hanggang 1:00 ng hapon.


Si Rodil at mga kinatawan ng MALCON at A.C.E. ang magsisilbing mga hurado ng kompetisyon para sa mga bata.


Anime music experience


Para maipadama muli ang full event experience ng MALCON, muling tutugtog ng anime songs ang samu't saring mga banda kabilang ang: "Shumi," "Pitch Down,” “FXN,” “Ikari No Umi,” “Marga,” “A Way to Stellar,” “Sinta,” “Pen and Scissors,” “Leona,” “Running Out of Ink,” “Pax Machine,” “VOMS,” at Carlo Cortes.


Nakatakda nilang i-perform ang mga sumusunod na theme songs ng: “Daimos,” “Flame of Recca,” “Bleach,” “Knock Out,” “Hunter X Hunter,” “Yamato Nadeshiko,” “Digimon,” “Magic Knight Rayearth,” “Naruto,” at marami pang iba.


Maraming kolektor din ang ilalahok ang kanilang mga laruan hango sa: "Gundam," “Sailormoon,” "Trese," "One Piece,” “Demon Slayer,” “Godzilla,” “Sword Art Online,” “Evangelion,” “My Hero Academia,” at marami pang iba.


Ibibida rin ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang kaniyang iconic collection. Si Natividad ang nakaisip at nagpasimula ng MALCON sa Bulacan.


Ang lahat ng mga pupunta ay may pagkakataon na makabili ng iba’t ibang merchandise at toys mula sa 17 merchants na pinili ng MALCON.



Card tournaments


Isa pa sa tampok sa MALCON homecoming event ay ang marathon card tournaments ng Magic the Gathering at Yu-Gi-Oh.


Iho-host ng Beatdown Toys and Hobby Shop ang mga patimpalak.


Nakatakda ring pangunahan ng MALCON ang isang Tekken tournament na lisyensyado ng Bandai Namco ng Japan. Ang mananalo sa tournament na ito ay magiging makakasali sa Tekken grand national tournament sa SMX sa Pasay City ngayong taon.


‘New Normal’ event


Ang "MALCON x VISTA MALL" ay pangungunahan ni host-vlogger Marlo Magtibay ng Anime Kabayan YouTube Channel at Eureka Cosplay Club ng Laguna.


Libre ang event at para sa lahat ng edad. Susundin pa rin ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, pagkakaroon ng proper hygiene at physical distancing sa mismong event grounds.

Taong 2018 nagsimula ang tradisyon ng MALCON. Mula noon, nakapagtala ang event ng record-breaking attendance mula sa 6,000 hanggang sa tinatayang 15,000 katao.


Para sa iba pang balita, i-like ang aming Facebook sa fb.com/MalConPH. Sundan kami sa Twitter sa @malcon_ph at Instagram at @malconph. Ang opisyal na hashtag ng event ay #MALCONxVISTAMALL.



Comments


bottom of page