top of page

Our Recent Posts

Tags

ToyConPh 2022, matagumpay na naidaos!

Updated: Aug 4, 2022




Matapos ang 2-year hiatus dahil sa Covid-19 pandemic, muling isinagawa ang pinakamalaking pop culture event sa Pilipinas, ang ToyConPh na ginanap sa Megatrade Halls, SM Megamall, Mandaluyong City noong July 8-10, 2022.


Dinumog agad ng mga toy at anime enthusiasts ang ToyCon sa unang araw pa lang ng naturang event. Bukod sa mga nakadisplay at mga binebentang laruan, may nakahanda ring stage performances upang mabigyang aliw ang mga ToyCon goers. Nariyan ang Myx Docu Viewing kung saan featured ang Filipino-American senior visual development artist ng Marvel na si Mr. Anthony Francisco. Nagsagawa rin ng kanyang “Toy Talk” ang co-founder ng G.I. Joe PH na si Mr. GlenMarc Antonio kung saan isa sa mga tinalakay niya ay ang tamang pag-maintain ng mga collectibles o laruan. Sinamahan din si Mr. Antonio ng mga kasama sa Philippine Toy Group Association (PTGA). Nagpasiklab naman ng kanilang galing sa pagsayaw ang mga casts ng Genius Teens movie. Nagkaroon din ng live auction selling ang Lazada at namigay ng mga give aways ang Bully Boy Collectibles at Funko Funatic Ph kung saan lumabas bilang surprise guest ang singer na si Jed Madela.


Sa ikalawang araw ng event, isang ribbon cutting ang isinagawa nina Mr. Larry Chan at Mr. Larson Chan ng Telesuccess Productions at Mr. Vic Yap ng ToyConPh. Nagbigay din ng libreng training ang Fightsaber Jedi Academy. Nakipagrakrakan sa ToyCon stage ang mga bandang Rowkeys, Save the Prophet, Sould Drift at ACGY. Isang NFT Workshop naman ang inihatid sa mga manonood ni Mr. Paul Soliman ng Bayanichain Inc. Iba’t-ibang sing & dance performances naman ang inihatid ng Aidoru Sekai na kinabibilangan ng iba’t-ibang Idol group tulad ng PastelMix, Asfire, Color up, Pl7eiades at Bella6ix.



Pinagkaguluhan naman ang pagdating ng mga casts ng Voltes V Legacy na sina Matt Lozano, Radson Flores, Ysabel Lapid, Raphael Landicho at Jamie Wilson kasama ang direktor na si Direk Mark Reyes. Ilang mga spoilers naman na hindi pa maaaring ilabas sa publiko ang eksklusibong ipinakita ni Direk Mark sa mga ToyCon goers.


Sa ikatlo at panghuling araw ng ToyConPh 2022, muling nagbigay ng libreng training ang Fightsaber Jedi Academy, namigay ng laruan ang Funko Fanatic PH at nagsagawa ng live auction ang Lazada. Sa araw din na ito ipinakilala ang ilang mga casts ng Genius Teens. Nagbigay naman ng live performances ang mga bandang Mola Blue, Shutdown Villains at Naiv. Ilang mga collab performances naman ang inihatid ng Aidoru Sekai.



Kinabaliwan din ng ToyCon goers ang pagdating ng Darna casts na sina Jane de Leon, Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla kasama ang Ravelo Family. Isang cosplay competition din ang isinagawa ng ToyCon na nilahukan ng mahigit 40 anime enthusiasts suot ang mga paborito nilang karakter tulad nina Yor at Anya Forger ng SpyXFamily.



Ang ToyConPH 2022 ay matagumpay na naidaos sa tulong ng co-presenter na Lazada at Smart Signatures, mga major at minor sponsors, donors at event partners. Isa din sa naging media partner ng naturang event ang FPS Media Ph na nag-livestream ng 3-day event.



Commentaires


bottom of page