top of page

Our Recent Posts

Tags

  • HDR

W.I.P. Quick Draw Aerith Gainsborough (Final Fantasy VII Remake) Speed painting video

Updated: Jun 3, 2020


Fifteen days ago, naisipan kong mag-paint ulit... digitally of course. Huling digital painting ko ay noong pang 2014, kaya naman di kataka-taka na inabot ako ng sampung (10) oras para matapos ang painting featuring Tifa lockhart mula sa PS4 game na Final Fantasy VII Remake. Bad trip din kasi ako dahil guston ko talaga malaro yun kaso salamat sa COVID-19 may mga raket na hindi natuloy. Sa nakalipas ng 2 buwan ay nakakulong ako sa aming opisina dito sa Bulacan, Work-from-Home muna kasi kami. Thankful na rin at kahit papaano ay may trabaho pa ako.


Mahigit isang buwan na rin noong mainspire ako simulan ang mag paint, for the past few weeks mga anime characters ang napapag-diskitahan kong gawin mga isa hanggang 2 oras lang na photoshop sessions at recording ok na may content na tayo. Pero dahil na rin siguro sa pagkabagot, dahil di naman ako makagala sa labas, unti-unti kong sinimulan ang pag-paint kay Tifa. Sa sampung oras na drawing sessions, limang (5) magkakaibang araw ko s'yang pinagtiyagaan, basic brush lang din ang setup ko at walang mga texture brush akong inistall. Ayun, wallpaper ko na ngayon siya.

At dahil maganda naman ang naging reception nito sa aking DeviantArt page at sa Youtube channel namin (www.youtube.com/FPSMediaPh) sinundan ko ngayon siya ng panibagong digital painting. This time si Aerith Gainsborough naman from the same series. Ang totoo, pangalawang attempt ko na i-paint si Aerith nung una kasi ay inulit ko dahil sa unang nyang pose na kahawig kay rinoa. Naisip kong gawan din siya ng future painting kaya nagsettle na lang ako dito sa version ni Aerith na walang hand gesture.

So far nakaka-isang oras pa lang naman ako sa kanya mula sa preliminary sketch at pagkukulay sa kanya. At sa kasaluuyan ay ito pa lang ang narerender ko sa kanya. Ta-trabahuin ko ito during may day-offs tuwing Biyernes at Sabado.


Abangan ninyo ang kayarian ng digital painting na ito sa mga susunod na araw.



Comments


bottom of page